Who you?

17358997_10210922834160280_1910414392577791826_o

Dear you,

Who you? Haha. I meant, seriously, who are you?

 

Ikaw ba yung kababata kong di ko makalimutan

Yung kalaro ko dati ng tagu-taguan?

 

O ikaw ba yung seatmate ko nung Nursery na walang humpay sa pagsilay

Tapos sa iyong kamusmusan eh bigla mo akong hinalikan sa kamay?

 

O ikaw ba yung makulit naming kapitbahay na sigaw nang sigaw ng pangalan ko

Na sa kakulitan mo eh sinuntok ka ng ate ko?

 

O baka ikaw yung kaklase ko na talaga namang binantayan mo ako sa sayawan

Lingid sa iyong kaalaman eh ang bespren mo naman ang aking natipuhan?

 

O di kaya ikaw yung crush ko pa nung kolehiyo

Na ang daming lumalapit sayo dahil magaling kang magpayo?

 

O baka naman yung isa ko pang crush na natutuwa ako sa mga dimples nya

At sa galing pa nya sa pagsayaw at pagkanta?

 

O pwede naman na ikaw yung ilang beses ko nang iniwasan

Dahil para sa akin magka-iba ang ating patutunguhan

 

O ikaw ba yung nagadala sa akin sa magarang kainan

Pero ang “spark” ay di ko maramdaman

 

O marahil ikaw nga… ikaw nga na matagal na akong may lihim na pagtingin

Pero sa maraming kadahilanan ay di pa rin nagsasalubong ang ating paningin

 

O baka naman wala ka pa ay dahil di pa kita nakikilala

Na sa ilang pag-aantay pa at magtatagpo na rin ang ating tadhana

 

And I still wonder, who are you?

But I know when that time comes, we both know that GOD gave me you.

 

Sagutin mo na lang tong liham na to sa tinakda ng panahon.

 

Nagmamahal,

Me

 

PS: May katotohanan ang ibang kwento pero karamihan ay pawang kathang isip lamang. 😊

“Ginawa niya ang bawa’t bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa’t hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas.” Eccl 3:11, Tagalog (ang lalim pala ng Tagalog, haha)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s