Dahil ngayon, ngayon ang bukas ko

May kinabukasang pinaglalaanan
Pero meron tayong ngayong dapat pagtuunan
Magsipag para sa kinabuksan
Pero wag sayangin ang ngayon
Mahalaga ang bukas
Pero iba… iba ang handog ng ngayon

Pano pag di dumating ang ”bukas”
Na pinag-aalayan mo ng ”ngayon”?
Wala kang kasiguruhan
Pero ang andito na ang ngayon
Nag-aabang, nag-aantay…

Kaya mas pagtutuunan ko na ang ngayon
Lalasapin ang bawat sandali
Di ko na aabangan ang bukas para sumaya
Andito ang ngayon para ngumiti
Andito ang ngayon para sa akin.

Ngayon na. Ngayon ko na gagawin.
Ngayon ako magpapasalamat.
Ngayon ako magbibigay.
Ngayon ako magmamahal.
Ngayon ko tutuparin ang mga pangarap.

Dahil sa lahat ng gagawin ko ngayon
Wala man akong malinaw na sagot bukas
Ang ngayon pa rin ang magdadala sa akin
Kung saan man ako patungo bukas.
Dahil ngayon, ngayon ang bukas ko.

Advertisements

2 thoughts on “Dahil ngayon, ngayon ang bukas ko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s